Friday, September 14, 2012

The Other Side Of Me.

I wanna get drunk when I wake up. Para makalimot kahit sandali. Makatakas sa malungkot na realidad ng buhay. Makita ang isang parte ng buhay na hindi maipaliwanag. Pumunta sa isang lugar na walang ibang tao kundi ikaw. Pwede ding magsama ng kaibigan para masaya. Magpakasaya sa himig ng mga musika na bumabalot sa lugar. May mga hiwagang nababalot. At walang ibang nakakaalam kundi ikaw lamang. Ito ang lugar ng panaginip. Ikaw ang palaging bida, pero minsan naman ay hindi. Pwedeng limutin ang mga problema pero pagdilat ng mata mo, makikita at mararamdaman mo pa rin ang bigat ng buhay na walang ibang makakapag-pagaan kundi ang Diyos natin. Ang Diyos na nagmahal sa 'tin at ang Diyos na kumilala sa 'kin. Kaya nga ba ayoko sabihing ako ay 'Forever Alone' eh. Kasi alam kong andito siya at handang tanggapin ang mga kahibangan kong hindi maintindihan ng iba. Sana nakikita at nakakausap ko siya ng personal para hindi naman ako maging parang hibang na kumakausap sa sarili. Pero sabi nga ng aking mga magulang, naririnig niya ang bawat pintig at hiling ng pusong tapat at alam niya ang salitang 'pagmamahal' dahil kahit nasaan o kahit anong ginagawa ko ay nararamdaman ko iyon. =)

No comments:

Post a Comment